Saturday, May 1, 2010

yellow ribbon..

on may 10,2010.. lets vote for noy... lets give him a chance to serve our country. Marami na tayong nabigyan ng maling pagkakataon. Mas makakabuti pa nga na pumili tayo ng hindi ganon katalino, dahil tiyak yan na kapag naupo na sa puwesto ang mga pinagmamalaki nilang karunungan mapapalitan na yan ng katusuhan at kagulangan. Lilinlangin lang tayo ng mga nagpupumilit na tumulong sa ngayon ngunit pababayaan lang tayo pag tapos na ang eleksyon. "We dont need politicians, we need a public servant" ika nga nila.

Hindi ko man alam ang buong storya at malamang sa malamang ay nanghuhusga ako ng hindi mo pinakikinggan ang kabilang panig dahil alam kong ito ang tamang direksyon. Pumili ho tayo ng pangulong walang bahid ng panggugulang at kasinungalingan. Hindi nila kasalanan kung pinanganak silang mayaman, maniwala tayo inaabot nila ang ating mga kamay upang lubos nating maintindihan na posible ang pagbabago. Wag nating sayangin ang ating boto sa isang taong mapagpanggap at pilit na pilit ang kabaitan para makuha ang simpatya ng mahihirap. Kahit ito lang ibalato niyo na kay Noynoy. Manalig tayo, dahil hindi niya sisirain ang pangalan ng kanyang mga magulang dahil lang sa maruming buhay pulitika. Mananatili sya sa tama gaano man kahirap layuan ang mga tukso ng pera at kasakiman.

I never met Noynoy, but I trust him with all my heart. I know that God is with us. May truth and goodness prevail.

No comments: